Hindi naiiba si Loretta (Ruffa Gutierrez) sa ibang kababaihan. Siya rin ay may pangarap sa buhay. Pangarap na makaahon sa kahirapan, magkaroon ng pamilya at kasaganaan sa buhay. Nag-iba ang buhay ni Loretta ng sumali siya sa isang beauty contest, makakilala at magmahal ng isang lalaki na akala niya'y magbibigay sa kanya ng magandang kinabukasan. Ngunit siya palang magdadala sa kanya ng kapahamakan. Tungkol ito sa mga babaeng inaapi ng kanilang mga asawa at ito ay hango sa tunay na buhay.