Title
Category
Keywords
Clear Search Criteria   
TV Teleseryes (Pinoy)
New Releases (Pinoy)
TV Series (English)
New Releases (English)
Registrations
FAQ
Make a Gift
Shipping & Returns
About
Contact Us
Privacy Policy
How It Works
Terms of Use
Entertainment News
Frequent Rewards Program
Get a FREE $25 certificate
Sign up here for our Newsletter to receive news and exclusive promotions
Your E-MAIL:




Home Catalog Mano Po Ii (DVD)
Mano Po Ii (DVD)
AVG. RATING:
from 0 customers
2.3
Become our fan on Facebook
Get exclusive discounts and news
Follow us on Twitter
Connect with us on google+!
Get exclusive offers and discounts
Mano Po Ii (DVD)
"Synopsis: Mano Po 2: My Home (Collector's Edition) Antonio Chan, a prominent Chinese businessman, has three women in his life Sol, a Filipina; Lu Shui, a Chinese; and Belinda, a Filipino-Chinese. Antonio has children with all three women. A crisis shakes up the over-extended Tsinoy family prompting all the members to re-examine their values, their relationships, and confront issues that they have refused to face all these years. With Mano Po 2, My Home, Regal Entertainment?s continues the tradition established by the critical and box-office hit Mano Po. Features strong dramatic performances from a stellar ensemble cast, lush visuals, a reverberating musical score, an unforgettable theme song, and a heart-warming screenplay that eloquently captures the rich Tsinoy culture. Laugh, cry, and be touched by this family story about forgiveness, healing and undying love. DVD SPECIAL FEATURES: MAIN MENU SCENE SELECTIONS MUSIC VIDEO (Featuring 'My Home' by Zsa Zsa Padilla) PHOTO GALLERY ENGLISH SUBTITLES BEHIND THE SCENES DIRECTOR`S COMMENTARY TRAILERS Nang paslangin ang Tsinoy tycoon na si Antonio Chan (Christopher de Leon), nagbalik muli ang multo ng nakaraan at nabunyag ang mga pinakatatagong lihim ng kanyang angkan. Sa kanyang burol ay muling nagkita-kita ang kanyang tatlong asawa, sina Sol (Susan Roces), Lui Shiu (Zsa Zsa Padilla) at Belinda (Lorna Tolentino). Si Sol, ang tanging Pilipina sa mga asawa, ay matagal nang hindi nakita ni Antonio mula ng makipaghiwalay ito sa kanya dahil hindi matanggap ang pagkakaroon nito ng bagong kalaguyong si Belinda. Naiwan kay Antonio ang dalawang anak na babae ni Sol (Judy Ann Santos, Carmina Villaroel) at sa kay Sol naman lumaki si Lian (Cogie Domingo) ang panganay na lalaki ni Antonio na hindi agad kinilalang anak sa pag-aakalang anak ni Sol sa ibang lalaki. Sa gitna ng pagtatalo kung sino ang legal na asawa at pamilya ni Antonio, pati na rin sa kung sino ang nararapat na maging tagapagmana ng kanyang yaman, lumabas sa imbestigasyon na si Sol ang utak ng pamamaslang kay Antonio sapagkat ito ang may matinding galit sa asawa. Si Belinda naman ang pinaghinalaang utak ng frame-up na ito kay Sol sapagkat gagawin niyang lahat upang mapasakanya ang yaman ni Antonio. Si Lui Shiu naman, ang babaeng pilit ipinakasal kay Antonio sa China, ay pilit ipinaglaban ang kanyang karapatan bilang legal na asawa matapos nitong magpaka-martir sa mahabang panahon.
Isang sanga-sanga ngunit simpleng kuwento ng isang malawak na angkang Tsinoy ang Mano Po 2. Hindi tulad sa naunang Mano Po ng isang pamilya lamang ang sentro, umiinog ang kuwento kay Antonio, at isang katangiang ng kulturang Tsino, ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Bagama't mahusay ang pagkakaedit, magarbo ang produksiyon, at malinis ang sinematograpiya, malaki ang kahinaan ng pelikula sa paglalahad ng istorya sa dahilang hindi nito nagawang tumutok sa isang mabigat na problema na susundan at magpapaantig sa mga manonood. Lumabas tuloy na isang simpleng paglalahad lamang ang Mano Po 2 na hindi nagawang itaas ng bahagdan ng emosyon na nararapat sa isang pelikula. Marami ring karakter ang labis na napabayaan dahil sa sobrang dami ng mga tauhan sa pinilit bigyan ng kani-kaniyang sandali sa pelikula. Saying at pawang mahuhusay pa naman ang mga nagsiganap.
Tanggap sa kulturang Tsino ang pagakakaroon ng higit sa isang asawa. Ngunit maliwanag sa pelikula na si Antonio at Sol ay ikinasal sa simbahang Katoliko na kailanma'y hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng mahigit sa isang asawa kung kaya't napilitang makipaghiwalay si Sol gaano man niya kamahal ang asawa. Hindi lamang naging malinaw ang pelikula sa usaping moral na ito sa parte ni Antonio na mas pinili pang makisama sa isang kalaguyo at binigyan pa ng labis sa pagpaparangal hanggang sa huling sandali. Hind rin nabigyan ng katarungan sa pelikula ang kanyang pagkamatay at pawang bigla rin ang naging pagpapakamatay ng isang tauhan (Erickson) na hindi naman kabigatan ang problemang pasan. Ngunit kung susumahin ay dalisay ang mga pagpapahalagang ipinakita sa pelikula: pagsusumikap, pagtanggap sa kapwa anuman ang lahi, pagmamahal at pagmamalasakit sa kadugo, pagpapatawaran, pagpaparaya. Sa bandang huli, and Mano Po 2 ay tungkol sa paghihilom ng mga sugat ng nakaraan ng magiging possible lamang kung bibigyang-daan ang pagmamahalan at kabutihan maging Pilipino at Tsino man."
Format  DVD
Director  Erik Matti
Categories  Drama, K-O
Movie Time  130 minutes
Language  Filipino
Release Date  12/01/2002
Starring  Alessandra de Rossi, Carmina Villaroel, Christopher de Leon, Cogie Domingo, Jay Manalo, Judy Ann Santos, Kris Aquino, Lorna Tolentino, Susan Roces, Zsa Zsa Padilla
Brand New Price:  $19.95
Stock Availability In Stock - Usually Ships in 24 hours
Not a Member?


There are currently no reviews for this movie. Be the first to submit a review!

Ang Agimat: Anti ...
$14.95
Exodus (DVD)
$19.95
Manay Po (DVD)
$19.95
Ang Pinakamagand ...
$14.95



FEATURED ITEMS
01. Here Comes The Bride (DVD)
02. Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) (DVD)
03. No Other Woman (DVD)
04. Hotbabes In The Flesh (VCD)
05. Let The Love Begin (DVD)
06. Miss Na Miss Kita (VCD)
07. When Love Begins (DVD)
08. Adik Sa 'Yo Volume 6 (DVD)
09. Stairway To Heaven Vol. 3 (DVD)
10. Till My Heartaches End (DVD)
01. No Other Woman (DVD)
02. Agaton and Mindy (DVD)
03. Scorpio Nights (DVD)
04. My Valentine Girls (DVD)
05. A Very Special Love (DVD)
06. You Changed My Life (DVD)
07. Maalaala Mo Kaya Set 1 Volume 1 (DVD)
08. Maalaala Mo Kaya Set 1 Volume 2 (DVD)
09. Maalaala Mo Kaya Set 2 Volume 4 (DVD)
10. Maalaala Mo Kaya Set 2 Volume 5 (DVD)


Should we have Anime titles for rent?
Yes
No
[ Results | Polls ]
Total 39 Votes

Play dba Pinoy Movie Rentals. ©2011 All rights reserved.
Sign Up Now  |  Privacy Policy  |  Terms of Use  |  Site Map